Sunday, February 16, 2014

Si Ellen Page, ang kanyang "Coming Out" Moment, at ang Tunay na Pagpapakatotoo

Cue music!


Sorry, hindi tungkol kay Ellen Adarna ang post na ito. Ellen Page po. Hindi Ellen Adarna. Pero basahin niyo na rin.

Si Ellen Page

Ipinagdiriwang ng marami ang isa na namang pag-amin ng artista na siya tomboy. Si Ellen Page. Ito ang Coming Out Moment niya:


Nagkaroon ako ng girlfriend dati. Naging kami, nag-break kami, pero naging magkaibigan din naman pagtapos ng aming break-up. Pero nung magsimula akong maging active sa pro-life advocacy, in-unfriend niya ako sa Facebook, block, at di na kinausap kailanman. Ang huli naming usapan:

Ex: Plastic ka.
Me: Bakit? Dahil sa pagiging pro-life ko?
Ex: Oo, magpakatotoo ka. Kilala kita. Hindi ka ganyan. Ayoko sa plastic.

Given that I have a jaded past, isang nakaraan na puno ng kahihiyan at kasalanan - hindi na ba ako pwedeng magbago?

Ang pananaw niya sa akin ay ang pananaw ng lipunan tungkol dito sa isyu ng homosexuality. Papupurihan ka kapag umamin kang bakla/tomboy ka. Ewan ko lang ha, pero pulpol na pag-iisip ito. Ano ba dapat ang dapat mas matimbang? Ang pag-amin ng kasalanan at kahinaan, o ang pagsisikap na magbagong-buhay?

Of course, sasabihin nila na wala namang masama sa pagiging bakla o ang magmahal ng kapwa lalaki o babae. Let's discuss that next time.

Sa akin lang, napakaraming mga babae at lalaki dyan na naturingang bading o tomboy, pero nagsusumikap mamuhay ng malinis ang puso. They try to live chaste lives and not give in to their desires. Nakakalungkot lang na mas binibigyan ng pansin ngayon ang pag-amin ng kabadingan kasi ito daw ay pagiging totoo sa sarili, pero yung nagbabagong buhay ay tinatawag nilang plastic. Ipokrito.

Ganito na ba talaga tayo kababaw mag-isip ngayon?

Ang tunay na honest at totoo sa sarili, sa aking pananaw, ay hindi lamang yung umaamin sa kanyang mga kasalanan, kundi 'yung taong nagsisikap na baguhin ang kanyang buhay. Pwede kang magkaroon ng "coming out" moment mo, pero hangga't di ka nagbabago, walang saysay yun.

No comments:

Post a Comment