Ang madalas na eksena: may foreigner, o balikbayan, na nagtanong kung bakit ganito sa Pilipinas, samantalang pwede namang magbago para sa ikauunlad ng bayan. Ang laging sagot - "kasi, 'yan na ang nakasanayan." Siguro, tayo rin ang pumipigil sa ating pag-asenso bilang isang bansa. Heto ang ilan lang sa mga bagay na dapat siguro ay pag-tuunan ng pansin at pagbabago:
1. Bakit kailangang bumaha at mag-trapik tuwing umuulan? Habambuhay na ba tayong mapeperwisyo ng pag-baha at buhol-buhol na trapik tuwing tag-ulan? Sa dinami-dami ng engineering graduates ng ating mga prestihyosong mga kolehiyo at unibersidad sa loob napakaraming dekada, bakit walang makalutas ng problema natin sa baha? Huwag nating sabihing walang solusyon ang problemang ito. Nakipagbuno ang mga taga-Netherlands noon sa baha dahil likas na mababa ang kanilang lugar. Ngayon ay may sarili silang flood-control program para hindi sila lamunin ng dagat. Take note: hindi basta-basta ang kanilang mga makinarya at programa. Hindi 'yung tipong ilang linggong ulan lang ay sira na, made in China pala.
Lusong, mga kapatid! |
Aliw na aliw tayo sa mga artistang nagse-selfie sa MRT. "Wow, nag-MRT si Kris! Ang galing naman niya!" Pero nakalimutan natin na 'yung kapatid niya, parte ng problema dahil walang ginagawa para masolusyunan ang perwisyo na dulot ng pag-baha at traffic.
Take that smile off your face. Kasalanan ng kapatid mo ito. |
2. Bakit napakababa ng kisame ng Jeep? Wala bang nagtataka na bakit kailangang yumuko ng todo-todo para lamang sumakay ng jeep, kung pwede namang baguhin ang disenyo ng mga jeep para hindi na natin kailangang yumuko, at ang kailangan lang ay taasan ang kisame? At bakit kailangang mag-multitask ang driver kung saan nakasalalay ang safety natin bilang pasahero? Sa kanya inaabot ang bayad, siya rin ang nagkukwenta magkano ang sukli, doing all that mental math while weaving through traffic. Hindi na dapat ganun.
3. Bakit napakamahal ng pamasahe sa tricycle, lalo kapag special? Taga ParaƱaque ako. Minsang umuwi ako galing Crossing, ang singil ng bus sa akin mula crossing hanggang sa MIA 6-11 ay 23 pesos, ang jeep na papunta sa village namin ay otso. 31 pesos mula crossing hanggang village namin. Mula sa entrance ng village hanggang sa bahay namin, via tricycle? 30 PESOS. Aircon ba ang trike? HINDI. Sobrang layo ba ng destinasyon? HINDI. Bakit ang mahal, kung ganun?
Sa mahal ng singil ng mga tricycle drivers, dapat aircon at may TV ang mga trike! |
4. BAKIT ANG BAGAL NG INTERNET NATIN SA PILIPINAS??? Mapa-DSL, wi-fi, or yung internet via that expensive USB flash drive tulad ng SmartBro, ang baaaaaaaagaaaaaaal ng internet natin in general. More often than not, kapag nag-speed test ka, you will find out na mas mabagal 'yung net mo kumpara sa ipinangako sa iyo ng internet provider mo.
5. Bakit ang laging palabas sa TV ay telenovela na pare-pareho lang naman ang tema? Puro awayan, inggitan, selosan, bangayan, gantihan, gaguhan, lokohan, sampalan, sigawan, tampuhan, at lahat na lang ng katarantaduhan ng mga Pinoy ang pinapakita. Nitong huli, hindi lang kabaklaan ang pinapalabas, 'kundi pagtataksil pa sa asawa - pero regular na sinusubaybayan ng mga Pilipino. Ang utak talaga natin, nasa talampakan.
Isang Mensahe mula kay Senyora SantibaƱez |
6. Bakit puro kantahan ang napapanood natin sa TV? Oo, buti nga't wala nang song and dance segment sa mga Filipino movies, pero nalipat naman sa mga TV shows natin. High School pa lang ako may ASAP na tuwing linggo. Ngayon naglipana ang mga singing contests both foreign at local. Hindi ko sinasabing masama ang pag-kanta ha. Ang gusto ko lang sana mangyari, magkaroon ng mga programa na magpapakita ng iba pang talento ng mga pinoy - at hindi kailangang talent show tulad ng Pinoy Got Talent na parang mas nakafocus sa entertainment kesa talent.
Sana, maiba naman tayo, hindi puro kantahan. |
7. At higit sa lahat...bakit ba natin laging binoboto ang corrupt at manloloko?
Sa tingin ko alam ko ang sagot.
Group picture of congressmen and senators |
Ang politika sa Pilipinas ay nakabase sa Padrino System. Ang mga politiko, o ang mga nag-hahangad maging politiko, laging nandyan para sa iyo kapag kunwari ay nagkasakit si Nanay at kailangan mo ng pera pang-opera. O di kaya ay puhunan para sa negosyo. Kung birthday ni Lolo ay may libreng cake galing kay Mayor. Sa paraang iyan mas naaalala ng mga hunghang na botante ang ginawa nila para sa kanila lalo na tuwing eleksyon. Bakit may pork barrel? Simple lang: corrupt leaders need a corrupt system, and a corrupt system breeds corrupt leaders.
Hindi lang pork barrel ang problema. Kasama din ang media sa problema. Kasama din ang hindi patas na sistema ng COMELEC na pumapabor sa mga mayayamang kandidato - at alam naman natin kung sino madalas ang mayaman ay corrupt din, kaya ang nahahalal sa pwesto, yung pinasikat ng media, at 'yung pinanalo ng COMELEC, at 'yung binoto ng taumbayan dahil pogi, dahil sikat, dahil artista, dahil mapagbigay.
Nasa ating mga kamay ang pag-unlad ng Pilipinas. Sana naman magkaroon ng pagbabago para na rin sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
No comments:
Post a Comment