1. Sinisi ni Pnoy ang Tacloban dahil hindi daw sila prepared, eh expected niya zero casualties - realistic ba yun???
2. Nag-walk out si Pnoy sa isang Cabinet meeting sa Tacloban;
3. Pabalang niyang sinagot 'yung businessman na nag-sabing tinutukan siya ng baril. "But you did not die, right?" ang mala-pantas na sagot ng presidente.
4. Balita ng foreign media na halos walang presensya ng gobyerno sa Tacloban at iba pang nasalantang lugar. Kaya ang mga biktima, katulad ng gobyerno: nganga.
So sa galit mo, nag-post ka ng kritisimo sa Facebook. Makikita mo na lang sa wall feed mo, o kung maswerte ka ay magko-comment sa status mo ay ganito:
"Stop pointing fingers!"
"Stop being so negative!"
"Bakit, may ginawa ka ba?"
"Focus muna tayo sa pag-tulong!"and my personal favorite -
Hindi ko alam kung bakit allergic sila sa criticism, pero kung medyo nahu-hurt sila, sa akin lang: ang daming nagugutom at namamatay sa Samar at Leyte, pero ang gusto ng iba, puro positive thoughts at good vibes. Walang kokontra!
Criticism, if based on the truth, can help. Besides, the suffering people in Samar and Leyte have no voice except us. How can you expect us to be quiet if there are people dying in the Visayas and the government is nowhere to be found???
No comments:
Post a Comment